Tuesday, July 18, 2017

Kahalagahan ng ICT sa bawat Individual.

"Ang ICT Strand"
Information Communication Technology

Ano nga ba ang ICT Strand? Ang ICT Strand ay isang uri ng akademikong asignatura kung saan kinapapalooban ito ng tungkol sa teknnolohiya at pakikipag komunikasyon. Ang ICT ay pinagtitibay o binibigyang kapangyarihan ng teknolohiya. Maraming mga mag aaral na nahuhumaling sa Strand na ICT dahil narin sa teknolohiya at makabagong pamamaraan sa paggamit nito. Ngunit ano nga ba ang porpos ng ICT? .. Ito ay makakatulong upang mapalawak ang kaalaman ng mga nag aaral ng ICT sa pakikipag komunikasyon, pag gamit ng internet, sa pag gamit ng makabagong teknolohiya at iba pang mga porpos nito. 

Ang ICT ay naglalayong matulungan ang mga kabataan at abg iba pang klase ng indibidual sa pag gamit ng teknolohiya. Ito ay nag sisilbing guidlines upang magamit ng wasto at tama ang mga makabagong teknolohiya. Mahalaga ang Gampanin ng ICT dahil ito ang namumuno o nag bibigay ng aral tungkol sa pakikipag komunikasyon at sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Maraming mga tao ang hindi pa gaano ga'non ka eksperto sa paggamit ng teknolohiya kaya naman isa rin sa porpos ng strand na ICT ay mapalawak ang kaalaman ng bawat indibidual sa paggamit ng teknolohiya.

Ang pinakapangunahing tinatalakay sa strand ng ICT ay ang tamang paggamit ng Kompyuter. Inilalahad dito ang mga ibat ibang gamit nito. At pati narin sa paggamit ng ibat ibang software halimbawa nalang ng Photoshop,Animation , at ang paggawa ng sariling website o HTML (Hypertext MarkUp Language). Ito ay makakatulong upang magkaroon ng advamce na kaalaman ang mga kabataan tungkol sa ICT para maging handa sa pagkokolehiyo at para narin magkaroon ng mganadang trabaho ang mga mag aaral sa ICT strand.

Malawak ang sakop ng ICT, kaya naman isa ito sa mahahalagang dapat matutuhan ng bawat indibidual. Dahil ang mundong ating kinagagalawan ay unti unti ng nagiging progresibo sa teknolohiya. Dapat ang lahat ng tao ay may alam at handa sa ano mang pagbabago ng teknolohiya sa atin. Huwag hayaang tayo ang kontrolin ng teknolohiya, bagkus tayo dapat ang nagkokontrol sa kanila dahil narin tayo rin naman ang dahilan kung bakit ang teknolohiya ay buhay ngayon. Malapit narinng maging kabilang sa ating basic needs ang teknolohiya dahil sila ang kasama natin araw araw, at araw araw rin tayo gumagamit ng teknolohiya.

Malaki na ang naiaambag ng teknolohiya sa mundo. Maraming mga bansa ang umunlad dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Kaya kapag nawala ang mga teknolohiya, magkakaroon ito ng malaking epekto satin lalong lalo na sa ekonomiya ng ating bansa. Ang ICT, ay isa sa dahilan kung bakit patuloy ang progresibo ng makabagong teknolohiya sa ating bansa. Kaya ipagmalaki mo kung ikaw ay ICT. Malaki ang maitutulong mo sa pag unlad ng ekonomiya ng ating bansa at makakatulong ka rin sa mga taong malimit palang ang alam sa paggamit ng makabagong Teknolohiya.

-Quindo
-ProudToBeICT

18 comments:

  1. Ano po ba Ang kahalahaga n ng ict

    ReplyDelete
  2. My mga research dn po ba jn sa ict

    ReplyDelete
  3. May sapat po bang benepisyo ang ICt

    ReplyDelete
  4. ano ba ang kaibahan ng ict sa it

    ReplyDelete
  5. The King Casino
    The king casino in Oklahoma offers a wide variety of games. 1๋“ฑ ์‚ฌ์ดํŠธ The casino offers several www.jtmhub.com slots, poker, blackjack, and live communitykhabar games to choose herzamanindir.com/ from. We will also ๋ฐ”์นด๋ผ ์‚ฌ์ดํŠธ

    ReplyDelete